The next internet superstar!
Read more?
Twitter |
Facebook |
Tumblr |
Wordpress
Blogroll
Template by Aia Solis.
1. 2. 3.
Best viewed in Google Chrome and Mozilla.
na ang napadaan
May Akda
Ako si Aia. Labing walong Dalawampu't Dalawampu't isang taong gulang. Nakatira sa [insert exact adress here] Antipolo Citee-y. (Parang Little Miss Philippines lang). Isang akong OFW sa bansang Singapura.
Ailah Gesta de Claro Solis ang aking buong pangalan. Maraming nagtatanong (two or more than two is many. tse!) kung saan nagmula ang ngalang yan. Una sa lahat wala akong lahing Hindunisyan o Bombay-an. Onting Espanyol maari ayon sa aking madur and padur.
Ailah - medyo malabo kung saan ito nang galing. Sabi ni mommy gustong gusto nya daw si Aiza Seguerra nung nagbubuntis siya. Sa awa ng Diyos di ko siya naging kamukha. Pinalitan nya daw ng L and Z para... kyut? Ewan, para maiba. Walang saysay! Ayoko rin naman ng pangalan kong to!
Gesta - (pronounced as Jesta) Ito maganda ang etiology. Hirap kasing magbuntis ang nanay ko, sarado kasi ang fallopian tube nya. Kung anu ano pang eklavu cheverlei ang pinagdaanan niya bago ako mabuo. Nang mabuo na nga ako, muntik naman akong bawiin agad ni Lord. Pero dahil mahal Niya ko ng super duper, hinayaan nyang makaimbento ang human specie ng gamot na pangpakapit. In short, galing sa gamot na pangpakapit ang pangalan kong ito. Nalimutan nalang ni inay ang buong pangalan ng gamot na ito, basta inalis nya yung suffix nung tunay na pangalan ng gamot.
At dahil ayun nga, hirap si inay bumuo ng baby, nag-iisa lang ako. Unica hija. Only daughter. Their precious. Strikto sila? Hindi naman masyado? Sakot lang kahit na minsan hindi ko mawari ang mga kadahilanan nila kapag pinagagalitan nila ako kapag ginagabi ako kahit na: a) kilala naman nila ang aking mga kasama; b) may maghahatid sa akin pauwi; at c) malapit lang ako sa amin. Pero kahit ganun, swabe parin.
Ako ay level III nursing student sa graduate ng UERMMMCI. Alam ko bigla kang napa 'saan yun?'. Dun yun sa may Sta. Mesa, malapit sa SM Centerpoint. Kung di mo parin alam, wag mo ng alamin dahil wala rin namang saysay.